Sunday, December 12, 2010

Review for Term Exam in Araling Panlipunan

Mga Pagbabago sa Lipunan at Kultura

Bilang marka ng kanilang pangingibabaw sa lipunan, lahat ng makabuluhang kapangayarihan - pulitikal, pangkabuhayan at pangrelihiyon - ay hawak nila.

Peninsulares- mga Espanyol na ipinanganak sa Spain.
Insulares- mga Espanyol na ipinanganak sa kolonya.

Mga Sumunod sa Espanyol sa lipunan.

Mestizo- mga anak ng banyagang ama na maaring isang Espanyol o Tsino t katutubong ina.

Pangatlong antas sa ipunan ay ang mga Pilipino. Ang mga ito ay nahahati sa tatlong uri batay sa pananampalataya.

Indio- mga Kristiyanong Pilipino. Nakikilla sila sa taglay nilang pangngalang Kristiyano -- Karaniwang Jose, Juan o Pedro para sa mga lalaki at Maria, Juana at Josefa para sa mga babae. Sila ay naniirihan sa pueblo at nagbabayad ng buwis.

Infiel- katutubng Pilipino na nananatili sa Animismong paniniwala. Karaniwang tawag sa kanila ng mga Espanyol ay pagano.

Moro- mga Pilipinong Muslim.Tinanggihan nila ang Kristiyanismo at nanatiling Musiim.

Collecion de trajes de Manila y de las provincias- mga kasuotang Pilipino noong Panahon ng Espanyol.

Source: Kabihasnang Pilipino; Kasaysayan at Pamahalaan. Aralin 14 pgs. 146-147.